tsin3las is signing off May 24, 2009
Posted by jaja in 1.1 comment so far
i will be closing my wordpress blog but it doesn’t mean i’ll stop blogging
naman! magfo-focus lang ako sa isang blog site, kasi hirap na rin ako mag maintain same post lang din naman tas daming weblog site need ko i-update. i’ll be sticking with my multiply account kaya mga blogmates kita kits tayo sa multiply para mas tighter and closer ang feel davah
you won’t miss me because our addiction will still go on… patuloy pa rin akong magtu-turok sa inyo… walang iwanan sa bayan ni juan
sorry sa mga late comments na hinde ko na mareply-yan, bwahaha hinde ako snob noh… pumupunta naman ako sa site nyo nakikibasa ng mga entries ^_^
So pano ba yan. make wave vavay na ako dito sa wordpress. I will be waiting sa multiply, update na ninyo ang link ko ha at add nyo ang multiply link ko sa inyong favorites
So long suckers! tsin3las is signing off.
alamat ng saging May 5, 2009
Posted by jaja in Emo Attacks.Tags: saging
3 comments

eksena sa karinderya kahapon.
ako: ate, isa pong galungong at saka isa pong kanin.
ate: *inabot ung saging saken* 46 pesos lahat.
ako: *clueless* ate, rice po hinde saging.
ate: saging ang sinabe mo kanina.
ako: *tangena nito ah* sige na, at saka one rice.
eksena sa bahay after kumain
saging: ayaw mo ba saken?
ako: hinde naman.
saging: oo… saging lang kami… pero sa buong mundo alam mo ba…
ako: tangena mo. alam ko na yan.
sabe ko nga. mahirap yung lageng nag iisa. pati saging naiimagine ko na kinakausap ako. kasalan kasi to ni ate, gawin ba akong tanga naibuhos ko tuloy lahat ng sama ng loob ko dun sa saging
possessed by sunako April 26, 2009
Posted by jaja in Emo Attacks, Usapang Balakubak.Tags: sunako nakahara, yamato nadeshiko wallflower
7 comments

loving my new hair… i’m an anime
After she was rejected by her first love, Sunako developed an obsession with darkness and a morbid fascination with blood, horror movies, and similarly dark things. She hates excessive light exposure and also does poorly in hot weather…
last 2007 naging dalja (dalja’s spring) ako, last 2008 naging eun chan (coffee prince) ako… and this year 2009… i’m sunako nakahara (wallflower)
ang pinaka-astig na shojo heroine sa balat ng manga ^_^ oo mas maganda pa itech sa hana yori dango.. sobrang astig kasi ni Sunako… idol ko talaga xa
sayang bitin ung anime… sana may season 2.
- related post:
- atras flower boys ng dalawa, abante ang wallflower!
it must be at aquatico April 21, 2009
Posted by jaja in Turista Forever.Tags: aquatico beach resort, happiness
6 comments

happiness, freedom, and peace of mind ^_^
this has been my life,
I found it worth living.
I found a quiet assurance,
an inner peace,
and the core of my being.
I had my moments,
and if I had to do it over again,
It must be at aquatico…
promise… babalik ako…
habulin mo happiness mo April 18, 2009
Posted by jaja in Emo Attacks, Usapang Balakubak.Tags: change, happiness, night shift life
2 comments
more than a year na rin ako ng night shift, matindi na nga ang body clock ko pag 11am or 12 noon sobrang inaantok na ako and then pagpatak ng 2-3 am sobrang gising ako. feeling ko talaga hinde healthy ang ganitong lifestyle aside sa sobrang panget ang skin huhuhu
sobrang mukhang haggard na ng skin ko (buti na lang anjan ang slimmers clinic at hinde ako pinapabayaan… yes.. sponsor ito) eh andun ung feeling na laging kang EMO. ewan ko ba sobrang kaarjudan alam mo yung api-apihan feeling sobrang emotional distress, parang laging down ng walang reason, laging you don’t know my pain eklavu ang drama pag winter sonata ung theme na may falling snow effect while crying. and not only that, paranoiah chorvahness. lagi akong paranoid tas hinde makalma ang canned thoughts ko dami kong iniisip na pag naanalyze ko na marerealize ko na hinde ko naman talaga need mag-isip ng ganun. waaah. i’m so sisa mode na iyak-tawa and baliw baliwan.
feeling ko talaga sobrang negative ang effect saken nito parang nabago ang personality ko at ang pakikitungo ko sa tao… as in 100% miski ako pansin ko sa sarili ko na sobrang laki ng changes nito saken.
- irritable. pag gising ko palang bad mood na ako. pag dating sa office. pag bukas ng emails. bad mood times 2.
- sensitive. lahat napapansin ko kahit simpleng salita na feeling ko wala naman meaning eh nagiging big deal saken.
- accidic. alam mo ung feeling na matutulog kang gutom at gigising kang gutom? kasi nagiging priority ko ung tulog, mas gusto ko pa matulog kesa sa kumain.
- not-so-sociable. eto. matindi 100% change. mas gusto ko makinig ng mp3 kaysa sumama sa discussion or kwentuhan ng team. this is not me. ako na binansagang most talkative student of the year eh nagfifeeling superstar at napapaka attitude divaness na may bitbit na mottong “don’t disturb me can’t you see i’m building my own world”
- lazyness. kung tamad na ako dati, ngaun times 300% katamaran. lahat ng bagay kinakatamaran ko na. eh kasi nga mas gusto kong matulog kesa magkikilos kilos.
- boring. parang lahat saken hinde na interesting. ang japan at anime na lang ang natitirang bagay na pinag tutuunan ko ng pansin.
- anger management. feeling need ko na mag undergo dito. madali na kasi akong maines lalo na sa mga tanga.
kanina pag kagising ko nakita ko ung commercial ni kim chui “habulin mo happiness mo”… sabi ko naman… “talaga lang…” and then nag usap kami ni mama. ang dami nyang plans lalo na sa bahay namin. dun. dun ko narealize buti pa si mama may goal sa buhay. ako. wala. ni hinde ko alam ang gusto kong makuha or gusto kong ma-achieve. as in parang buhay student parin. keber.
so upon discussion kanina… bigla akong na-excite. huwaw. nag jive kami ni mama. common goal ito! ang dami naming plans and sana maayos yun this year. at very first time nagplano ako para sa taon na to! oo naman!!! gumu-goal na ang lola mo!!! sobrang excitement ko hinde ako makatulog. ang dami kong naisip, lalo na kung paano ko idedesign ang kwarto ko shet… eto na ba ung happiness na sinasabi ni kim? so need ko talaga xang habulin d b?
then later nasabi ko sa sarili. need ko talaga baguhin lahat ng nega saken. Kelangan magdala ako ng bright image… tipong shining shimmering splendid na aura everyday. pangako. hinde para sa ibang tao kundi para sa sarili ko. bring back the glory days. yes. obama ito! change is now! dapat magsimula yan as in today!!!
happiness is the key to success…
tara ng habulin ang ating mga happiness ♥♥♥
sampagita super powah juice deluxe April 10, 2009
Posted by jaja in Usapang Balakubak.Tags: juice, sampagita
6 comments
natry mo na uminom ng sampaguita juice?
ako. oo. kanina lang.
d pa naman bumubula ang bibig ko until now 
pero feeling ko nasa langit na ako
kasi kada salita ko naamoy ko ang hininga ko
kaamoy ng mga santo sa adoration
feeling ko sinusundo na ako ni Lord…
naisip ko pag umutot ba ako..
amoy sampagita kaya?
oo nga pala… it’s holy week April 9, 2009
Posted by jaja in Usapang Balakubak.Tags: holy week, semana santa
2 comments
![]()
![]()

nag aabang ako ng jeep papasok sa opisina ng nagulantang ako sa dami ng kabataang naglalakad nung una hinde ko pinansin, then later on parang ang OA naman ng bilang ng kabataan na naglalakad. sumakay ang ng jeep dala pa rin ang tanong sakin sarili, “ano bang meron sa araw na to???” pagpasok ko sa rcbc tower, and sa elevator pagpindot ko ng 35… kasabay ng bilis ng pag akyat ng elevator ang bilis ng flashback nung aking kabataan. Pag labas ko ng elevator at pagdating ko sa cube ko nasabe ko nalang sa aking sarili…
minsan sa aking kabataan, ako ay naglakad papuntang grotto para magnilay d lang yun umaattend pa ako ng misa tuwing black saturday at salubong tuwing easter sunday … samantalang ngaun matanda na ako… hinde na nga ako makadalaw man lang sa simbahan ang masaklap pa sa lahat nakalimutan ko pa ang mahal na araw… sobrang hate na ako ni Lord…
![]()
iron deficiency anemia April 5, 2009
Posted by jaja in Usapang Balakubak.Tags: iron deficiency anemia, kamote therapy, spinach
2 comments
Meron na naman akong mga senyales ng kakulangan ng dugo at lalabas na naman ang lahing kumiho at bampira ko. Kelangan ko na namang mag Kamote Therapy at kelangan ko rin itaas ang atay intake ko nito. Kelangan ko kumain marino ng mga foods rich in iron.
Senyales na ako ay kulang na sa dugo:
1] Madaling mahilo.
2] Madaling mapagod
3] Laging masakit ang ibabang bahagi ng ulo malapit sa batok
4] Hirap huminga kapag natutulog
5] Nagakakaroon ng mga pulang patches sa katawan [naku wag naman sanang itim na patches, baka maging leukemia patient ako]
Paraan upang maiwasan.
Kumiho Style.
1] Kumain ng inihaw na atay ng baboy [di ng tao]
2] Kumain ng inihaw na atay ng manok [masarap nito!]
3] Kumain ng inihaw na atay ng baka [never ko pang natry]
Vegetarian Style.
Kamote Therapy [recipe by jaja]
Ingredients:
1 tali ng talbos ng kamote [or mga 10 tangkay ng mahabang talbos sa bakuran ng kapit bahay]
1 tali ng talbos ng alugbati [oo ung nilalagay sa pigsa para pumutok]
1 tali ng talbos ng spinach [hindi po ito ung kinakain ni popeye]
half baso ng seaweeds [optional, ito ung parang madulas na dahon, mejo yaki kadiri pero rich in iron]
Half chopped ng ampalaya [d ko kaya ang buo mapait na maxado]
Asin
Betsin
Sibuyas
Bawang
2 basong tubig
Mga kailangan:
Kawali
Lutuan [masa: uling, middle class: de gaas na stove, sosyal: electric stove]
Sandok
Instructions:
Ilagay ang tubig sa kawali kasama ng lahat ng nabanggit sa ingredients. Lagyan ng asin at betsin.Let it simmer for 5 minutes. [malamang kelangan me apoy ano mang klase yan basta may apoy] Then ready to serve.
Q: Anong lasa nyan?
A: Ano pa ba ineexpect mo malamang mapakla.
Spinach Salad [recipe by jaja]
Ingredients:
2 tali ng talbos ng spinach [again, hindi ito ung kinakain ni popeye]
Sibuyas
Kamatis
Bagoong isda [ung galling sa pampanga, d ung alamang iba un]
Instructions:
Pakuluin muna ang talbos ng spinach for a minute. Dapat half-cooked lang. Hanguin sa kawali at ilagay sa plato. Ilagay ang chopped sibuyas, kamatis at 3-4 tablespoon na bagoong isda. Haluin hanggang makuha ang tamang lasa.
Q: Anong lasa nyan?
A: Para ka lang kumain ng damo na nilagyan ng asin. Masarap xa.
Sea Food Style.
Tahong at Talaba [luto ng aking ina, d ko alam lututin eh pero ito ay isa sa inihahanda ng nanay ko kapag kulang ako sa dugo]
Sosyal Style:
Take iron supplements.
Ayun kung mayaman ka go.. bili ka na lang ng mga supplements and vitamins. But if jologs ka like me better try my recipes [safe yan noh, meron na bang namatay sa gulay?] Favorite ko ung spinach salad kc un lang ung masarap sa panlasa at magaan sa bulsa. Next week foods to gain weight naman ang pag-usapan natin. Pansin ko lang nagiging health conscious ako nitong mga nakaraang araw.
spare tire April 5, 2009
Posted by jaja in Emo Attacks.Tags: emo poems
3 comments
darkest part of the coin are always taken for granted,
saddess part are being suppressed and covered by fake smiles,
trying to be happy takes a lot of effort…
knowing that you enjoy everyday of your life,
but the end of the day before you go to sleep,
you can’t even remember If you’re happy or not…
tyrin’ to fit in to the bunch of people whom you don’t know if they really like you,
or they were just too friendly so you don’t even noticed that they hate you,
Or you’re just comforting yourself and believing that you’re ok,
Or you’re just tryin’ to live as part of them but in reality you don’t really belong…
precious heart romance… bubuklatin na April 4, 2009
Posted by jaja in Kwentong Pag-ibig.Tags: abscbn, kristine series, martha cecilia, precious heart romance, rose tattoo
4 comments
Count me in! I’m one of the gazillion avid fans of precious heart romance (PHR) especially Martha Cecilia’s novel. I love “Rose Tattoo” (Kristine Series) anubeh it’s so kilig!!! head over heels ang tama ko kay Lance Navarro
Favorite ko rin ung “my knight in shining armor” (Sweethearts Series) at “Wild Heiress” (Kristine Series) gravedad brings me back the old memoriezzzzzz. Reminiscing itech back to past those times na uber hooked ako sa PBs. I remember during schooldays nasa hallway man or corridors miski sa entrance hall or main gate ng school lahat kami nagbabasa ng PBs kalokah parang may departmental exam after… na need ng masusing comprehension
Nakakamiss… sobra… awww
ibalik nyo ang kabataan ko!!!
Over excited ako ng malaman ko kay Leah (Certified PB addict, imagine may complete collection xa ng Kristine at Sweethearts Series!!!!) na ABSCBN made an agreement with PHR they’ll going to feature Bud Brother Series by Rose Tan and Kristine Series ni Martha Cecilia… too bad kasi hapon series xa at hinde pang primetime bida
Waah sana lang talaga wag nilang sirain ang namuong image ng Kristine Series sa aking puso!!! Looking forward din ako knowing ABS madami silang calibre actress and actors na pedeng gumanap sa never ending story ng Kristine series. Actually si Echo-Kristine nga unang pumasok sa isip ko na pedeng maging cast syet… namiss ko rin tandem nila… namiss ko ang “Pangako Sa’Yo” days
At kalerkey how ABS would portray “Paso De Blas”??? tangena sa buong buhay ko isa syang private island na may malaking hacienda na may gigantic mexican ancestor palace… Naku… sana lang talaga… utang na loob huwag nilang siraan ang Kristine series… please…
I don’t kiss little girls with braces – Vince, My Knight in Shining Armor
A playgirl is not my ideal wife. I have no tolerance for spoiled brats! – Jace, Wild Heiress
Can’t help falling in love with my wife – Lance, Rose Tattoo