Posted by: jaja | September 14, 2007

tsinelas™

why tsi.n3.las?

Of all blog names bket tsinelas? Ewan ko rin bigla na lang pumasok sa isip ko ang tsinelas. Siguro dahil buong buhay ko kasama ko ang aking tsinelas. Mula ng baby pa lang ako at hindi pa marunong maglakad may tisnelas na ako. Then nung lumaki ako at matutong maglakad tsinelas pa rin ang kasama ko. Feeling ko all of my childhood memories and up to now, tsinelas played a big part of me. Kung may isa mang bagay na maihahalintulad mo more than your best friends malamang tsinelas yun. At kung naging tao ang aking tsinelas tiyak siya lang ang tanging nakakaalam kung ano ang totoong pagkatao ko ^_^

about the blog

I love blogging. Isa yan sa mga passion ko although hinde ako ganun kaconfident sa pagsusulat sa english. Ayun nga lang lately parang nawala ung essence ng blogging sakin to the point na nagbblog na lang para lang may mabasa ang mga avid readers ko nakakasad kasi nung una akong gumawa ng blog hinde naman un ung reason ko. Simple lang ang gusto. Ang makagawa ng time capsule. Maisulat ang lahat ng mga bagay na magpapaalala sa aking pagkatao. Na lumipas man ang panahon at kung mismo ako ay makalimutan ko na kung sino man ako may isang blog na magpapakilala kung ano ako this moment of time. At yan ang reason kung baket may tsin3las ngaun, sa pagkakataong ito gusto ko mas mailabas lahat ng totoo sakin na hinde akong mangingimi maglabas ng opinyon, mas bukas ang isip, at higit sa lahat mas matured.

about the author

Certified jologs and I’m proud of it. Marami akong gustong gawin sa buhay tulad ng:

  • Kwentuhan, chibugan, kantahan at trippings kasama ng jologs barkada kong sobrang lakas magTRIP at TUMAWA
  • Lugaw sa May D.Jose (Avenida) at sa Likod ng FEU
  • Maglamyerda, Manood ng sine kahit saan.
  • Mangulit, mang-inis. at mang-asar =))
  • Malunod at mamaga ang mata kakanood ng DVDs!
  • Mag WOW philippines kasama ang mga outdoor friends.
  • Pumunta ng Quiapo kasama ang mga kapirata ko.
  • Umiyak ng matindi sa mga tragic love story.
  • Kumanta sa mga Videoke Bars .
  • Sumayaw hanggang sa mawalan ako ng malay.
  • Tumawa ng MALAKAS hanggang sa lumabas ang ngalala at mapatid ang litid

Dahil minsan ka lang mabubuhay at hinde mo alam kung kelan ang huling time na isusuot mo ang iyong tsinelas. Kaya ako ginagawa ko ang bagay na gusto at kung saan ako magiging masaya. Yun lang ang rule ng buhay ko. “Be Cheerful and Strive to be Happy”

Mahal kita! Aking tsinelas™.


Leave a response

Your response:

Categories