first love never dies part II July 19, 2008
Posted by jaja in Music + Dance + MVs, Stars.Tags: chito miranda, fan girl, parokya ni edgar
trackback
naniniwala ako sa “first love never dies”, tipong pag naalala mo eh ang pinakasulu sulukan ng puso mo ay nakakadama ng kilig factor, kanina after namin mag dinner around 2am, tamang timespace wrap ang nafeel ko. banatan ka ba naman ng mga backstreet old school songs napareminicse tuloy ang dukesa mo. recall recall ang etching ko, mga early era of fangirling bumabalik tanaw saken, ang mega fruitful highschool days drama era kung san nauso ang mga rock bands! Naalala ko first concert na napuntahan ko is ung sa RiverMaya na so-so lang hay bruha ang lolo Bamboo mo dun chabilito pa unlike ngaun na parang kakarehab lang, istariray na si Bamboo nun ayaw ng picture, lolo mo ang attitude nasa rurok kaya nawalan ako ng gana sa RiverMaya, disappointed fan girl ang inarte ko. After nun is ung concert naman ng pambansang banda ng pilipinas, kelangan daw may intro… “lahat sila ay gwapo… sila ang Parokya ni Edgar ^^” eto first experience ko ng hardcore concert. at dito ako naging hardcore fangirl at until now buong puso kong isisigaw na certified parokya ako!!!
- dito ko naranasan sumigaw until sa ultimate powers ng lalamunan ko hanggang mapunit ang pinamaliit ng nerves nito. after nito nawalan na ako ng boses kasi ung lalamunan ko eh mas malaki pa ata sa ulo ni charice pempengco sa maga. at ang saket talaga nya after daig mo pa ang lagyan ng koronang tinik na nangangalawang ang loob ng lalamunan mo.
- dito ko naranasan ang mapunta sa harap ng stage *wohoo* ng walang effort as in go with the flow, para mas mavisualize mo eh try mo sumakay ng mrt sa north avenue around 8-9 am. ayos! jampacked! pang concert talaga ang feel ^^. imagine nung lumabas ang parokya after ng front act parang stampede sa ultra ang event. yezzzz. take me! i’m yours!
- dito ko naranasan ang tumalon na parang baliw habang nakataas ang mga kamay. Nakikipag-headbangers ako sa mga taong hinde ko naman kakilala. Nagjajammin na parang kakadroga lang. yezz. mga kakosa heaven ang feeling. pramis isa ung sa mga enchanting feeling na hinde ko maexplain ung wala kang ibang makita kundi si chito na kumikislap ^_^
- dito ko naranasan umiyak sa sobrang saya, excitement, saket, pagod, lahat na ng feeling na pede mong mafeel sa moment na yun, nakakapanglambot at nakapanghihina ng tuhod. Naman, buhayin si sisa. grabelicious, now i know baket naiiyak ang mga babae pag lumalabas si michael jackson at baket ang daming hinihimatay pag nagpeperform ang Beetles.

- dito ko naranasan yung first ultimate idol-fan encounter (aside from disappointing bamboo experience), uber cool ni chito, for the record, si chito ang first kiss ko!!! bwahahaha! syet hinde ko alam kung paano or napressure lang din ako sa kabarkada ko na uber fangirl to nth level! Harangin sa backstage ang drama. After ng autograph diba usual lang na gesture eh handshake or hug d b? eto! sobrang kakapalan ng mukha ko, humingi ako ng kiss, xempre over board na un so expect ko tatawanan lang ako ni chito, eto brilliant moment ng fangirling ko, hihihi ^_^ “hug + kiss” from chito ang nakuha ko (yosh cheek lang noh for sure akala siguro ni chito eh grade 1 student ako, hoy swirti nila noh dahil saken lahat sila may kiss kay chito!). Jackpot! Fleeting moment. Bwakanang ina! bat hinde pa nauso ang digicam nun! grrrr.
- dito ko naranasan masampal ng pudra ko dahil almost 3 am na ako umuwi. Imagine 2nd year highschool student at ako ay uuwi ng 3 am. Although nagpaalam ako pero sinabe ko hinde un lalagpas ng 12mn, eh since can’t get enough ang prinsipyo ng mga fangirls, hinde ako uuwi hanggat wala akong autograph from chito! and I got more than just an autograph <333. Patience is a virtue talaga.
- dito ko naranasan pumasok kinabukasan ng walang tulog pero full charge ang batiri ko. Akala mo naka tsongke ng isang kilo, since may pagyayabang ako sa mga school mate ko kaya hyper at super animated ang storytelling moment ko. alam mo ung gazillion times ko na nakwento eh d ako makaget over ikukwento ko ulet tipong dont-blame-me-coz-im-so-happy ^_^
Bwahaha. Ito ang rurok ng local fangirling ko, senyales un na mahilig talaga ako sa mga chinito ^_^ sa mga matang hinde nakikita kapag ngumingiti. Pag naalala ko to natatawa ako. Imagine sa murang edad eh bukas na saking isipan ang salitang “fan girl and idols” at kung ihahalintulad xa sa isang damit na kung mawawala saken eh mapapasigaw ako ng…
“mom!!!! where’s my favorite robot shirt!!!, A~a~a~a~t~t~e~e~e~e~e~e!!!!”
- related post:
- parokya ni edgar
- when love fades away
psst! tag kita! http://www.walkonred.com/2008/07/first-last-and-now.html
heyyy…PNE!!! count me in!! isa rin ako sa nagpaka baliw sa kanila, eversince buloy and picha pie days…i record ko ba nman lahat ng MTV nila…at sa mga campus tour, sister, andun din ako…
chito was the ultimate love of my life…:D, kundi lang dahil kay kaye abad…hehehe….
chinito guys…korek! kaya pala adik ako sa mga koreano…hahha!!!
@kat
yo! thanks sa pagdalaw. hihi ^^
@lemon
ako rin girl! un na pala ang signs kaya siguro adik din ako sa mga koreans ^_^
[...] first love never dies || [...]