Archive

Archive for August, 2008

coffee prince bid his farewell…

August 21, 2008 jaja 7 comments

Shocked! Yes. Nung mabasa ko akala ko sa drama lang xa namatay, putragis in real life pala tsuginess na ang lolo mo. Lee Eon ay isa sa cast ng “Coffee Prince”, xa ung nakalaban ni Eun Chan(sige na nga, Andy sa jologs terms) sa jajangmyun dare. remember??? Siya ung laging buntot ng buntot sa kapatid ni Eun Chan. Ung makulit na uto-uto bwahaha, pero I like his character sa coffee prince.

Kagagaling lang ni Lee Eon sa wrap party para sa latest series nyang “Strongest Chil Woo” madaling araw ng maaksidente sya sa kanyang motor, eh kasi naman nagdrive ang prinsepe under influence ng alcohol then nag change lane pa ayun nung bumangga sa rail tigok agad, dead on arrival na xa sa hospital.

Baket kaya ganun, madaming actor at actress ang namamatay sa peak ng kanilang career parang sobrang bitin d b? pero kung ako ang tatanunungin hinde ako manghihinayang if may isang actress/actor mamatay ng biglaan at least namatay sila ng sikat pa at kilalang kilala pa sila ng mga tao. Mas tragic naman ang mamatay ka sa panahon hinde ka na sikat.

Infairness ang daming showbiz friends ang pumunta sa wake ni Lee Eon, nagsama-sama lahat music, movie, tv, modelling industry. Pero nakakalungkot talaga kung iisipin mo lalo na sa parents kasi only child lang xa, masaket ung mauna pa ung anak mo kesa sa iyo. Eh lahat naman layo dun din naman pupunta, ika nga nila unahan lang yan.

coffee prince co-stars: Eun Yoon Hye (Left) and Kim Jae Wook (Right)

Syet, nakakadepress ung mukha ni Kim Jae Work (sya ung japanese na pan cake master) halatadong mega shock pa hinde man lang nakapagsuklay ng buhok, sya ung unang dumating sa wake. Ng malaman ko na nadeds si Lee Eon una kong hinanap ung reaction ni Eun Yoon Hye, grabedad parang gumuguho na mundo ang nakita ko sa mga artista na pumunta dun. Inaabangan ko at gusto ko malaman ang magiging reaction ni Gong Yoo pag nalaman nya, lumabas kaya un ng camp at dumalaw ng naka fatigue???

오빠, 안녕. 나는 보고싶어요. (TT_TT)

I will be your friend forever!

August 14, 2008 jaja 7 comments

Ibang image na toL! it’s getting darker and darker, sakin’ jologs term eh patungo na sa pwersa ng kadiliman. Kakarelease lang ng 3rd mini album ng pinakapeborit kong kpop group of all time, BIGBANG (dapat may emphasis sa bang with matching high five!). yez. great time! great time! This time mas mature na image ang gusto nilang iportray, tipong pang adik na rocker punk :D . Shocking kasi parang nalalayo na sila sa hiphop genre or pede ring nag eexperiment sila ng ibang tunog for a change. Jusme mula nung monday up to now sila lang nasa playlist ko playing over and over kung may CD nga lang ako malamang gasgas na gasgas xa.

Sa lahat ng track, I love most ung “Oh My Friend”. Ang ganda nya!!! Pang OST sa mga dramas na may touch ng friendship, actually una kong nasip pedeng OST ng gokusen, hahaha. Kasama nila dito ung Rock band na “No Brain” inperness kakarinig rinig ko lang ng iba nilang kanta, pasabugan to ng ear drum d b? naalala ko Slapshock sa kanila. Anyways, trip na trip ko ung track na to kasi kwentong pagkaibigan, taena lalo na nung kinanta nila to sa comeback stage, syet kinilig daw ako dun sa “hawak kamay” ni TaeYang at ni G-Dragon. Inarte ko lang, para saken kasi naramdaman ko sa kanilang dalawa ung years ng totoong pagkakaibigan at sincerity sa bawat isa. Kyabo! BFF till death do us part! Ayun eh nainggit lang ako wala kasi akong bestfriend, soloista kasi ako eversince the world begun.

Kakalabas lang din ng second single nila ang “Oh My Friend” nakakatawa ung MV na nakakakilig!

  • DAESUNG as a boxer: pootah sorry pero ng makita ko to naalala ko ung beautiful boxer :mrgreen: comedy talaga super power daesung, pang manny pacquaio na kamao.
  • SEUNGRI as mime artist: cute ng batang to, kahit lumalaki na xa at nagbibinata jusme bata pa rin ang nakikita ko bwahaha.
  • TAEYANG as welder/skater: I DIED 8O. Mahal na mahal talaga kita :oops: Ewan ko ba sau kahit anong gawin mo sobrang COOL and SEXY sa paningin ko. Bwiset..
  • TOP as policeman: Infairness talaga, bagay na bagay as in pedeng career pag nalaos sa showbiz. Gwafu nitong police pag nagkataon! Syet, mas ok siguro kung si Sandara ung natiket. Bwahaha gumagawa ng love team.
  • G-Dragon as pyscho: taena anong nangyayare kay kwon leadah, una mukha xang adik na clown ngayon naman mental patient. Part of growing up ba to?

Let’s love each other, scream louder, FREEDOM!

plastik!!! ver.2

August 11, 2008 jaja 6 comments

Kung gustong gusto mo talaga magkaroon ng mukha na artistahin at pang idol madaming paraan sa panahon ngayon kahit ano kaya na ng science basta ba willing ka gawin ang lahat. Ika ng mga kasamahan ko sa beautification project (jeck, jays, orewa, at sarah), ang pagpapaganda ay investment ng oras, effort, at xempre ng pera. Imagine sa Thailand nga halagang php280K nagiging tunay na babae ang isang lalake. Ayos d b? syet kelangan ko na mag ipon para maachieve ko ang mukha ni song hye kyo (jessie ng full house). moolah! moolah! moolah!

tiffany before debut (left pic) and tiffany after “MAJOR” transformation (right pic), ay oo nga pala si Tiffany is member ng sikat na korea’s girl band SNSD. Nakita na kaya ni Hyun Joong tong pic na to? Naalala ko mayron isang variety show na magkasamang nakulong sa isang box si TIffany at HJ what if that time eh hinde pa retokada si Tiffany papayag kaya ang heartthrob leader ng SS501 na pumasok sa box kasama nya?

yes, another MAJOR transformation this time si TaeYeon, isa rin member ng SNSD.

ang transformation ay hinde biglaan, series yan ika nga sa derma term per sessions. pero wag naman ng tipo ng transformation na hinde ka makikilala parang kalabisan na un. Kahayukan na sa kagandahan d b?

i like the dad but i rather have his baby!

August 6, 2008 jaja 3 comments

What if God give you a chance to choose between a super hot guy as against to a uber cute little baby, sino ang pipiliin mo? xempre ang tao ay selfish in nature probably naghahanap ka ng option c wherein you gonna have them both. ayos! pero 2 lang ang choices, si A. or B. ayun kung ako ang tatanungin mo, maales ales ever, pipiliin ko ung uber cute na baby. kasi sabi ng braincells ko eh I could find super hot guy kahit san (ayos parang ang dale nito, ika nga ni matet: “Ang GANDA mo!”) kesa makagawa ng super ulzzang [pretty] na baby d b? Naku kung sa lagay ko kelangan ko ata ng genes coming from Brad Pitt :D

Una ko nakita si Jang Geun Suk eh sa HwangJini sa GMA7 paired with Ha Ji Won. Naalala ko pa ung scene na 1st time makakita si Jang Geun Suk ng HwangJini’s ayun nga si Ha Ji Won ung nakita nya, remember ung scene mega takbo ever ang lolo kasi sinusundan nya ung girlash. Grabedad, hinde ako interested sa mga period drama pero nung makita ko xa dun kinilig ako sa corny na scene na un, imagine! peste! Hinde ko maerase erase sa hypothalamus ko nyeta nagtrigger at nagrelease ng milyong mily0n endorphins! ung sobrang cute na face na un parang kumikinang sa sobrang freshness!

Napanood ko rin siya isang teen oriented movie ang “Doremofasolatido”, like ng japanese movie na “Koizora” na isa rin online novel or like the our local version “The only thing between us” jusme don’t tell me hindi mo pa nababasa tong online novel na to, taragis 10 years bago natapos ang love story ni Bianca at Ryan. Balik us sa “Doremofasolatido”, he played a promising vocal band singer who fell in love sa isang tomboyish independent girlash [talagang so very korean ang dating] then na mas pinili naman ni girl ung friend nya for almost 10 years, ah basta tear jerker movie like Koizora.

Looking forward ako sa latest movie nya na “Baby and Me” not because he’s the leading role, kundi dahil dun sa teka, grabe to nth power na cuteness nung baby na kasama nya! sarap kagatin ung pisngi at kurutin hanggang sa mamula. This uber cute na baby eh sikat na CF model, grabe ang ganda ng mata sobrang laki [love it!] thanks sa canadian na pudra at hindi naging shrimp eye ang baby na to. Kainggit, hinde pa man din marunong magsalita at lumakad si Baby Mason imagine artista na and may lead role movie na tong baby na to. Syet. it reminds me nung baby sa Rob-B-Hood at nung pamangkin na sobrang pogi!

aigooo!!! kung ganito magiging anak mo, ang sarap siguro gumawa ng baby :mrgreen:

sometimes face value is not enough.

August 4, 2008 jaja 6 comments

Ang sarap ng morning shift lalo na at monday, nakatanga lang to death sobrang linis ng queue wala nadating na nakakahigh blood na request. At dahil wala magawa at idle ako mega browse muna ako sa mga daily reads ko then may isa akong nabasang entry, although hinde ako makarelate, isang larawan ang nagpawindang sa aking ulirat :mrgreen: .

WARNING: DON’T EVER TRY TO WINK. 8O

Ayos. Una kong nakita ung picture naalala ko ung bidang robot sa Zettai Kareshi [gwafu! like ko tong japanese drama to tragic pero type ko parin] na parang may anggulo ni machete [yes, remember Gardo Versoza at Osang days] kung mukha lang talaga ang titignan solb na solb na ako kasi naman gwapito naman ung guy [Daniel Wu, haha ngaun ko lang din to nakilala :D ] pero nung makita ko ung pubic hair taena naisip ko pede kaya yan gayahin ng mga brand satin na ma low rise pants, kyabo! calling mr. ben chan!!! kaya mo ba yan? kaya ba yan ng bench? try nga natin kay fafa John Lloyd Cruz :lol: tiyak, mapapakanta sa version ni sarah ng… “i got a very special love in you…~~~”

speaking of fafa Lloydie, kasama nya si Angel Locsin sa mga cast ng remake ng isa pang Thalia’s series ang “Maria Mercedes”. Eto ang hinde ko matanggap ang korean series na FullHouse gagawan ng GMA7 ng remake. Syet hinde ko kayang tanggapin! wala nang babagay pa sa role na yun maliban kina Rain at Song Hye Kyo. Utang na loob tigilan na natin ang remake, mag isip naman tayo ng something original. PERIOD.