c3’s keyboardist is so hot! hot! hot!
namention ko ba na umattend ako ng isang alive-alive-forevermore-concert? eh kasi naman isang milyon beses na akong nainvite ng cousin ko na sumama sa mga events na hinohost ng christian group nya, ang lola mong yan ginawa na ata akong part ng mission nya sa buhay mukhang achievement nya sa buhay ang maiahon ako ang sa nagliliyab na kawalan.
hinde naman ako nagsisi na sumama ako kasi aside from nabusog ang espiritwal na aspeto ng aking pagkatao as in “born again” literally, not only that, nag uumapaw naman ang puso ko sa sobrang kiligness na naramdaman ko yup. fangirling at it’s finest, i fell in love kay Julian McGruther, keyboardist ng C3 band. The moment na tumapak sya sa stage ay napako na ang mata ako sa kanya at ayaw ng umalis, namighty bond ang eyes ko dun.

graveh, type na type ko talaga mga guy na taong grasa look a like
Sabe ko nga sa cousin ko kung si Julian ang magiging pastor ko hay nako hinde na ako magpapatumpik tumpik pa may-i-convert-na ito mablis pa sa alas tres at magmamakaawa pa ako sa kanya at kahit hinde nya na ako kelangan pilitin, dahil ako mismo ay magvovolunteer
Check nyo songs nila sa Latest album nila, ung single nila na “Today” ung pinaka like ko
click here => C3 For the Glory Myspace Account




