Archive

Archive for January, 2009

wishlist #5 granted! gazillion thanks!

January 28, 2009 jaja 1 comment

kyabo~!!!! happiness galore to the maximum gazillion level as in teary eyed devil para raw ako while baliw baliwan after ko makuha ang gift saken ni lheen.

ei: buksan mo na lang gift ko sayo pag alis ko. *sabay abot ng gift na obvious naman na bag*

ako: anubeh so arjud. may ganun pa. *habang hinihimas himas ko ang kapirasong papel na cover ng bag*

after ng kwentuhan at siraan ng buhay kayod marino mode na si lheen. and then tinanggal ko ung ‘kapirasong papel’ na cover ng bag. Grabedad napasigaw daw ako sa tuwa ng makita ko ung black and white keys ng piano. Awwwwness!!! with teary eyed expression na parang pang binibing pilipinas matching with takip bibig and making paypay of kanang kamay.  Ang sarap ng feeling. SUBRAH!

nodame’s piano bag taken from my uber-archive-smells-like-10-years motorola razr

Nagpop ako sa YM ni lheen after ko makita ung gift. Nawindang ako dun alam mo ung feeling na like na like mo ung isang bagay kaso hinde mo makuha kasi hinde mo makita dito sa third world country at kelangan mo pa mag order online para lang makuha yun? I cried kasi sobra akong natouch. Yes. hinde ni Belo kung di ni Lheen. Yep. Natouch mo ko dun ng bonggang bongga! Natusok ang puso ko dun ng flying daggers mo! Winner ka!!!

ja2: waaah!!!!!  im so happy*insert hug emoticon here*
ei: wahahahah… kaya nga tinakpan ko yung sa piano..
ja2: adik!!!! salamat *insert hug emoticon here*
ei: yan yung sabi ko sau na inorder ko pa… pero customized bag lng nman yan…kaya ang tagal tagal dumating.. hahaha
ja2: san mo inorder? waaaaah. salamat
ei: sa online multiply shop ko inorder..
ja2: wiii!!! salamat. waaah naiiyak na me *insert cry out loud emoticon here*
ei: welcome… *insert hug emoticon here*
ja2: thank you talaga *insert hug emoticon here*
ei: hahahha… sabi ko nga sa sarili ko.. bat prang walang reaksyon to si jaja…
ja2: eh sabe mo kasi buksan ko pag alis mo. eh akala ko white lang ung design. pag labas nakita waaah!!!! nodame!!!! im so happy. salamat talaga!!!
ei: hahaahaha
ja2: salamat talaga. wiii. happiness galore!

Ang saya talaga. Many thanks as in gazillion thanks ever. ang effort of buying online, winner ka talaga. Ika nga ni Oprah, “You’re a WOW-er!!!” :mrgreen: Kudos sau lheen <333. Mabuhay ka! Kung gusto mo tuparin lahat ng wishlist ko okay lang din saken :lol: seryoso na to. Pare salamat talaga!

  • related post:

    Back in the past: Kuto, the bloodsucker.

    January 26, 2009 jaja Leave a comment

    the family that takes kuto away stay’s together :lol:

    minsan ba feeling mo eh bumabalik ka sa isang eksena sa nakaraan? yep, parang may-I-back-in-the-past with matching cloudyness feeling. ewan ko ba last saturday naramdaman ko un. ordinaryong araw ng sabado after lunch kung san buo ang family habang nagpapababa ng kinain. Then biglang dumating si Rica, ung kapitbahay naming girl na bestfriend ng kapatid ko(i’m rooting on them, bwahaha feeling ko magiging sila in future) then biglang sabi ni mudra kay Rica halika ka nga anak kutuhan kita. Ayun bigla raw akong naflashback galore. Oo talaga as in no joke, bigla kong nakita ung same scene nung bata ako.

    Tanghaling tapat habang pinapagalitan ako ni mudra dahil sobrang dami ng kuto ko, I remember kulay tanso na ung buhok ko at balugang negra talaga ang balat ko sobrang kakalaro sa labas.

    Mudra: Hay nako kadire tong buhok mo kababaeng tao mo ang dami mong lisa, tignan mo tong kuto mo nagdidisguise ng balat

    Ako: *keber tulo laway habang kinukutuhan, bwahaha papikit pikit pa ako, ewan ko ba pag kinukutuhan ako nakakatulog ako*

    Mudra: Magbihis ka *sabay tulak sa ulo ko*

    Ako: Ha? San tayo pupunta?

    Then nagulat na lang ako nasa barber shop na ako at pag uwi ko eh pinagtatawanan na ako ng mga kalaro ko. Ang hirap pa nun after ng bakasyon nagulat mga kaklase at teacher ko. Mula ng araw na yun dun ko narealize na lalake na pala ako :lol:

    Bwahaha, pag naalala ko un natatawa ako pero back that time sandamukal na panglalaet at lagi akong topic ng asaran ng klase namin. Keber, kasi sanay naman akong inaasar sa bahay namin kaya expected ko na ganun din sasabihin nila sa saken.

    Minsan masarap balikan ung mga moments sa past na hinde mo makakalimutan tapos pag naalala mo laugh ass loud ka na lang :mrgreen: kaya naman pag may problema ako ngayon lagi kong iniisip na one time pag naalala ko to in future for sure tatawa lang ako :D

    wtf!?! rustom padilla died!!!

    January 21, 2009 jaja 8 comments

    windang ever. hinde ako nanonood ng tv kasi hinde ako pilipino :mrgreen: puro japanese at korean tv show ang mas pinagtutuunan ko ng pansin kesa sa local showbitchness, haler tinatanong pa ba un? eh mas eye candy kasi mga actor at actress na japon at korya, mas masarap titigan sa screen.  nalokah ako kanina ng mapanood ko ang interview kay rustom padilla (err… parang mga last week na ata hehehe wow! i’m so updated, buti na lang may youtube), ang lola mo biglang please-call-me-bb-coz-i’m-a-woman. yes mukhang naisapuso na ata nya ang kanyang role na gaganapin as binibining gandanghari. ang hitad all the way na sa pagladlad naku ano naman kaya masa-say ni totoy bato nyan :lol: hinde ko pa rin maigine na badingerzie na si rustom kasi nung ginulat (ay hinde be? talagang expected na ba?) nya tayo sa i-am-gay-pinoy-big-brother-moment-with-butterfly-on-my-knee mejo nashock pa raw ako eh kasi naman naging crush ko sya sa Mistah, anubeh ung movie na gyera gyerahan na parang AbuSayaff kindap churvah theme na may kasamang agawan sa lupa sa mindanao… remember???

    three words… she is god-fearing, loving lady, i am a woman

    aral ni bob ong #2

    January 20, 2009 jaja 2 comments

    “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

    I agree. Lahat naman marunong magmahal naniniwala din ako na kahit player ka (playboy/playchick) at kahit ultimate flirt ka ever mayron kang kakayahan para magmahal (taenang yan naalala ko na naman si Yano :oops:   paksyet mahal talaga kita!!! waaah move on~~~) at saka naniniwala din ako na lahat tayo ay pinanganak na may loyalty badge sa dibdib. Oo naman! Lahat tayo likas na loyal kasi naman wala naman talagang player kung wala namang temptation. For example na lang si Yano. Siya ung tipo ng guy na sobrang liberated  kilalang flirt at player pero may malalim na pananaw sa buhay at may malaking kapasidad para magmahal (ayos talagang pangarap na boyfriend) then biglang magkaroon ng girlfriend na pangalanan nating si Nanami na walang muwang sa mundo. Before ginagawang sports ni Yano ang sex pero nung naging sila ni Nanami biglang nag-iba ang pananaw nito, biglang naging santu-santusan ang lolo mo may sacred ng nalalaman,  imagine sobrang pagmamahal nya kay Nanami kinaya nyang mabuhay ng tigang, na kahit kinakaong na sya eh dinadaan na lang nya sa sariling sikap :mrgreen: in short nagbabago ang isang tao depende sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero later nung magcollege sila nagkaroon ng bestfriend si Yano tawagin na lang natin sa pangalan na Aki then dun nya narealize na ang 5 years abstinence nya at matinding pagpipigil sa sarili ay nayanig at nawala ng isang iglap ng makita nya kay Aki ang bagay na sobrang walang wala kay Nanami, yeah! the biggest boobies of all. Dun pumapasok ang temptation at nasa kanilang dalawa na un kung paano sila magrereact. Luckily, matinong babae si Aki at mayron xang malaking respeto kay Nanami. See, ang point ko dito, ikaw ang magdedecide sa sarili mo kung ano ang magiging role mo sa isang relasyon. Pede kang maging legal girlfriend, loyal boyfriend, third party or baka ikaw nga talaga ang tunay na soulmate.

    Ah basta, naniniwala pa rin ako sa power of love. kung talagang mahal ako ng chuvaness ko kahit isang milyong hubad ng megan fox pa yan sa harapan nya,  ako pa rin ako pipiliin nya sa huli :D

    bilisan mo mag LRT ka!

    January 14, 2009 jaja 8 comments

    nabasag ang braincells ko dun nawindang talaga ako to the height. hinde lang ilong ko ang dumugo nalaglag matres ko dun parang bigla akong rereglahin. kamusta naman kumucombo si ate, ang lutong ng “putangina” nya may gigil factor :mrgreen: kalokah!!! Kung kaibigan ko xa malamang never ako magiging late sa usapan namin one hour advance akong pupunta ng quiapo and I make sure na sasakay ako ng LRT!!!

    Kung iisipin mo ang “Putang Ina” nagiging mahina na hinde na kasing bigat katulad ng dati, wala ng impact,  ngaun parang part of expression na lang pag nagulat, pag masaya, pag naglalandian, pati sa joke kasama na rin jusme sinasabe pa to nang nakangiti d b? After ko to mapanood andun ung bring back the Putang Ina Mo intergrity.

    Isa lang ang say ko, alam naman natin na ang word na “Putang Ina” ay isang curse or swear na ginagamit lang sa taong sobrang gusto mong patayin. Kaya naman mabuhay ka ate, binuhay mo ang totoong diwa ng PUTANG INA! Yes! So fierce!!! Rawr!!!