“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
I agree. Lahat naman marunong magmahal naniniwala din ako na kahit player ka (playboy/playchick) at kahit ultimate flirt ka ever mayron kang kakayahan para magmahal (taenang yan naalala ko na naman si Yano
paksyet mahal talaga kita!!! waaah move on~~~) at saka naniniwala din ako na lahat tayo ay pinanganak na may loyalty badge sa dibdib. Oo naman! Lahat tayo likas na loyal kasi naman wala naman talagang player kung wala namang temptation. For example na lang si Yano. Siya ung tipo ng guy na sobrang liberated kilalang flirt at player pero may malalim na pananaw sa buhay at may malaking kapasidad para magmahal (ayos talagang pangarap na boyfriend) then biglang magkaroon ng girlfriend na pangalanan nating si Nanami na walang muwang sa mundo. Before ginagawang sports ni Yano ang sex pero nung naging sila ni Nanami biglang nag-iba ang pananaw nito, biglang naging santu-santusan ang lolo mo may sacred ng nalalaman, imagine sobrang pagmamahal nya kay Nanami kinaya nyang mabuhay ng tigang, na kahit kinakaong na sya eh dinadaan na lang nya sa sariling sikap
in short nagbabago ang isang tao depende sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero later nung magcollege sila nagkaroon ng bestfriend si Yano tawagin na lang natin sa pangalan na Aki then dun nya narealize na ang 5 years abstinence nya at matinding pagpipigil sa sarili ay nayanig at nawala ng isang iglap ng makita nya kay Aki ang bagay na sobrang walang wala kay Nanami, yeah! the biggest boobies of all. Dun pumapasok ang temptation at nasa kanilang dalawa na un kung paano sila magrereact. Luckily, matinong babae si Aki at mayron xang malaking respeto kay Nanami. See, ang point ko dito, ikaw ang magdedecide sa sarili mo kung ano ang magiging role mo sa isang relasyon. Pede kang maging legal girlfriend, loyal boyfriend, third party or baka ikaw nga talaga ang tunay na soulmate.
Ah basta, naniniwala pa rin ako sa power of love. kung talagang mahal ako ng chuvaness ko kahit isang milyong hubad ng megan fox pa yan sa harapan nya, ako pa rin ako pipiliin nya sa huli
- related post:
- aral ni bob ong # 1
- yano motoharu
hanep.un lng.
By: secy on January 22, 2009
at 12:46 pm
@secy
By: jaja on January 22, 2009
at 3:29 pm