Kyabo. I’m not in hiatus mode. Hinde rin ako tinatamad magblog, actually sobrang dami kong naiisip na ipost kaso wala akong time kaines tito boy kasi ang daming projects na kinuha, napaglipasan na tuloy ung mga chorva na like ko ilagay dito hanggang sa sayonara ever na ang aking mga canned thoughts
badtrip. Nitong past days din kase finding nemo ang drama ko. bonding with mother nature, ayun nag usap kami ni inang kalikasan at kaibigan hangin kasama nila ugat puno, marina, and fafa deer. nilabas ko sa kanila mga angst ko buhay, at mukhang can relate naman sila
Masarap talaga ung feeling pag in touch with nature, like na like ko rin sa “dumalaw” sa mga probinsya at mamiktima ng mga probinsyano
pukekeke. tamang dalaw lang minsan para lang maramdaman ko turista ako. ayun aftter 24 years narealized ko na totoo palang may bulkan mayon akala ko isa lamang xang kwentong bayan
Ay oo nga pala, like ko lang ishare ang happiness ko after ng isang kachorvahan moment… may bagong na akong chuvaness… uy naloka ka dun noh? hinde to lovelife dahil never ako nagkakaroon nun. I already made a promise kay Lord, na xa lang ang lalakeng mamahalin ko. (echos!!! i’m so plastic! yes! i’m so bitter!!!)
Araw ng sabado, nadepress ako ng todo, dahil ang pinapangarap kong digicam ay isa palang ginto. Haler naman sa net kasi 15K lang xa noh so ako naman tong mega expect dala ang kumikinang na mata at nagliliyab na puso with banner “this is it!!!” written all over my face, go to the nearest mall ito neng!
Sa unang Sony shop, “Ma’m 25999 po xa, bundled”. Waah. It’s so jahe everloo. Alam mo ba ung reaction ng sapak peys ko? It’s like “tangena, it this real? bwahaha. joke time ba to. asan ang camera???” xempre hinde pedeng ganun davah magmumukha naman akong chipipay na buyer na making tawad sa divi. So say ko “What if wala ung 4G na SD? how much?” ampootah effort sa english ha. Napanting tenga ko dun, sabi ba naman saken na salesclerk, “Same lang” with smirk like trying to tell me na “Hello, hinde mo to kayang bilhin, pulubi ka!” Puke! Since ako ay tipo ng tao na sobrang liit ng pasensya at sobrang madaling magalet sa putaragis na mapangmatang masa peeps, nag amok ako. “Ganon? Pede bang macheck ung memory card?” Ayun nawindang si ate binuksan ung camera then inabot ang battery saken. “Miss, sigurado ka bang alam mo ang ginawa mo? Hinde to memory card, battery ito. Battery” with fiery kontrabida eye look slowly fading away. Ano ka ngaun. Tae ka. Sinamahan ko ng dramatic walkout scene. Naiiyak ako sa inis, alam mo ba ung unti unting nawawala sa iyong mga kamay ang bagay na iyong pinapangarap. Yep. Kadepress na sabado. Umuwi akong bigo at luhaan.

it must be pink!
Pero hinde ko natalaga matiis ang matinding pagnanasa ko makuha tong Sony T77. Keber na. Basta I want it. As in now na! Nakakacancer ang sobrang depressan. Taena sobrang kajologsan pa kasi sa Cash and Carry lang ako bumili parang 50 steps lang from apartment ampootah sobrang depress ko pinakamalapit na maabot na paa ko at makakakita akong T77, kukunin ko na. Feeling ko meant to be. Yes. Aside sa sobrang baet at knowledgeable yung salesclerk ang dami nyang side comments na like ko. Aside dun ang daminng freebies ang binigay nya saken
happiness galore talaga.
I got my Sony T77 with:
- mini tripod
- 2G to 4G memory stick
- underwater case
- gift certificates (sony printers less 5k, sony electronic photo album less 3K, and more…)
- usb cable for HD devices
- eto pinaka asteg ===> Sony 2009 Planner na parang photobook ni idol KC
- 3 years warranty
d lang un. since ako ay mabaet na bata, sabi ni kuya at sobrang kitang kita nya raw sa aking mga mata na sobrang like na like ko ung camera, binigyan nya ako ng 2k discount. So nakuha ko ung T77 ng php23,999. Ay grabedad, sobrang saya ko talaga
keber na kung mejo hinde ako nag isip at naging practical, kasi nung marinig ko ung 3yrs warranty nakalma ang puso
Ah basta no regrets kasi tuwing makikita ko bago kong cam, para akong high schooler na kinilig anubeh, i’m so inlove sa T77.
No moment is missed. This is tried and tested, I think it’s great for everyone. I wouldn’t choose anything else.
-KC Concepcion, Sony Cybershot model