more than a year na rin ako ng night shift, matindi na nga ang body clock ko pag 11am or 12 noon sobrang inaantok na ako and then pagpatak ng 2-3 am sobrang gising ako. feeling ko talaga hinde healthy ang ganitong lifestyle aside sa sobrang panget ang skin huhuhu
sobrang mukhang haggard na ng skin ko (buti na lang anjan ang slimmers clinic at hinde ako pinapabayaan… yes.. sponsor ito) eh andun ung feeling na laging kang EMO. ewan ko ba sobrang kaarjudan alam mo yung api-apihan feeling sobrang emotional distress, parang laging down ng walang reason, laging you don’t know my pain eklavu ang drama pag winter sonata ung theme na may falling snow effect while crying. and not only that, paranoiah chorvahness. lagi akong paranoid tas hinde makalma ang canned thoughts ko dami kong iniisip na pag naanalyze ko na marerealize ko na hinde ko naman talaga need mag-isip ng ganun. waaah. i’m so sisa mode na iyak-tawa and baliw baliwan.
feeling ko talaga sobrang negative ang effect saken nito parang nabago ang personality ko at ang pakikitungo ko sa tao… as in 100% miski ako pansin ko sa sarili ko na sobrang laki ng changes nito saken.
- irritable. pag gising ko palang bad mood na ako. pag dating sa office. pag bukas ng emails. bad mood times 2.
- sensitive. lahat napapansin ko kahit simpleng salita na feeling ko wala naman meaning eh nagiging big deal saken.
- accidic. alam mo ung feeling na matutulog kang gutom at gigising kang gutom? kasi nagiging priority ko ung tulog, mas gusto ko pa matulog kesa sa kumain.
- not-so-sociable. eto. matindi 100% change. mas gusto ko makinig ng mp3 kaysa sumama sa discussion or kwentuhan ng team. this is not me. ako na binansagang most talkative student of the year eh nagfifeeling superstar at napapaka attitude divaness na may bitbit na mottong “don’t disturb me can’t you see i’m building my own world”
- lazyness. kung tamad na ako dati, ngaun times 300% katamaran. lahat ng bagay kinakatamaran ko na. eh kasi nga mas gusto kong matulog kesa magkikilos kilos.
- boring. parang lahat saken hinde na interesting. ang japan at anime na lang ang natitirang bagay na pinag tutuunan ko ng pansin.
- anger management. feeling need ko na mag undergo dito. madali na kasi akong maines lalo na sa mga tanga.
kanina pag kagising ko nakita ko ung commercial ni kim chui “habulin mo happiness mo”… sabi ko naman… “talaga lang…” and then nag usap kami ni mama. ang dami nyang plans lalo na sa bahay namin. dun. dun ko narealize buti pa si mama may goal sa buhay. ako. wala. ni hinde ko alam ang gusto kong makuha or gusto kong ma-achieve. as in parang buhay student parin. keber.
so upon discussion kanina… bigla akong na-excite. huwaw. nag jive kami ni mama. common goal ito! ang dami naming plans and sana maayos yun this year. at very first time nagplano ako para sa taon na to! oo naman!!! gumu-goal na ang lola mo!!! sobrang excitement ko hinde ako makatulog. ang dami kong naisip, lalo na kung paano ko idedesign ang kwarto ko shet… eto na ba ung happiness na sinasabi ni kim? so need ko talaga xang habulin d b?
then later nasabi ko sa sarili. need ko talaga baguhin lahat ng nega saken. Kelangan magdala ako ng bright image… tipong shining shimmering splendid na aura everyday. pangako. hinde para sa ibang tao kundi para sa sarili ko. bring back the glory days. yes. obama ito! change is now! dapat magsimula yan as in today!!!
happiness is the key to success…
tara ng habulin ang ating mga happiness ♥♥♥