Posted by: jaja | April 5, 2009

iron deficiency anemia

Meron na naman akong mga senyales ng kakulangan ng dugo at lalabas na naman ang lahing kumiho at bampira ko. Kelangan ko na namang mag Kamote Therapy at kelangan ko rin itaas ang atay intake ko nito. Kelangan ko kumain marino ng mga foods rich in iron.

Senyales na ako ay kulang na sa dugo:
1] Madaling mahilo.
2] Madaling mapagod
3] Laging masakit ang ibabang bahagi ng ulo malapit sa batok
4] Hirap huminga kapag natutulog
5] Nagakakaroon ng mga pulang patches sa katawan [naku wag naman sanang itim na patches, baka maging leukemia patient ako]

Paraan upang maiwasan.

Kumiho Style.
1] Kumain ng inihaw na atay ng baboy [di ng tao]
2] Kumain ng inihaw na atay ng manok [masarap nito!]
3] Kumain ng inihaw na atay ng baka [never ko pang natry]

Vegetarian Style.
Kamote Therapy [recipe by jaja]

Ingredients:
1 tali ng talbos ng kamote [or mga 10 tangkay ng mahabang talbos sa bakuran ng kapit bahay]
1 tali ng talbos ng alugbati [oo ung nilalagay sa pigsa para pumutok]
1 tali ng talbos ng spinach [hindi po ito ung kinakain ni popeye]
half baso ng seaweeds [optional, ito ung parang madulas na dahon, mejo yaki kadiri pero rich in iron]
Half chopped ng ampalaya [d ko kaya ang buo mapait na maxado]
Asin
Betsin
Sibuyas
Bawang
2 basong tubig

Mga kailangan:
Kawali
Lutuan [masa: uling, middle class: de gaas na stove, sosyal: electric stove]
Sandok

Instructions:
Ilagay ang tubig sa kawali kasama ng lahat ng nabanggit sa ingredients. Lagyan ng asin at betsin.Let it simmer for 5 minutes. [malamang kelangan me apoy ano mang klase yan basta may apoy] Then ready to serve.

Q: Anong lasa nyan?
A: Ano pa ba ineexpect mo malamang mapakla.

Spinach Salad [recipe by jaja]
Ingredients:
2 tali ng talbos ng spinach [again, hindi ito ung kinakain ni popeye]
Sibuyas
Kamatis
Bagoong isda [ung galling sa pampanga, d ung alamang iba un]

Instructions:
Pakuluin muna ang talbos ng spinach for a minute. Dapat half-cooked lang. Hanguin sa kawali at ilagay sa plato. Ilagay ang chopped sibuyas, kamatis at 3-4 tablespoon na bagoong isda. Haluin hanggang makuha ang tamang lasa.

Q: Anong lasa nyan?
A: Para ka lang kumain ng damo na nilagyan ng asin. Masarap xa.

Sea Food Style.
Tahong at Talaba [luto ng aking ina, d ko alam lututin eh pero ito ay isa sa inihahanda ng nanay ko kapag kulang ako sa dugo]

Sosyal Style:
Take iron supplements.

Ayun kung mayaman ka go.. bili ka na lang ng mga supplements and vitamins. But if jologs ka like me better try my recipes [safe yan noh, meron na bang namatay sa gulay?] Favorite ko ung spinach salad kc un lang ung masarap sa panlasa at magaan sa bulsa. Next week foods to gain weight naman ang pag-usapan natin. Pansin ko lang nagiging health conscious ako nitong mga nakaraang araw.


Responses

  1. Nice tip! Papaluto ku nga sa mama ku yung Kamote therapy, nakakamiss din ung talbos eh.lol. Thanks sensei!

  2. @kelly,
    bwahaha. ewan ko pero feeling ko mas effective ung spinach salad :D

  3. subukan ang spinach na raw…hwag na lutuin….then add kalamansi, a little salt, a little sugar…kung gusto mo a little black pepper…voila! super healthy na salad


Leave a response

Your response:

Categories