my love from another star

hello february! start the love month with kilig kwentong pag ibig entry UNFORTUNATELY not related to my love life (as if meron) I’m currently watching “My Love From Another Star” at hinde ko kayang pigilan ang puso ko kiligin at umiyak ng sobra sa saket. ANG LABO LANG! 2013 was not a good year  for k-drama/jdorama turok kasi puro olats ang story but I’m excited to watch this because of:

  • Jun Ji Hyun – it’s my first time to watch her act in small screen kasi puros movies lang ang peg ni ateng. She’s one of the biggest name in industry and comedy is her forte.  I love her character and her portrayal of Cheon Song Yi, talagang I can’t imagine any actress that will play that role aside from her. PARA SA KANYA TALAGA! TAILOR-FIT!

soju

  • Kim Soo Hyun – sobrang namiss ko na sya at withdrawal syndrome ang peg ko after ng Moon Embraces the Sun. One thing I like about him kapag umiiyak sya super ramdam ko to the bones ang saket! First time ko sya napanood sa Dream High, I admit na-impress ako sa acting ni koya, kaya eto ako ngayon, fangirling sa mga k-dramas nya. :lol:

seduce

I watched “Thieves” and honestly kinilig ako sa kanilang dalawa – kahit sobrang minor lang ang appearance ni Kim Soo Hyun dun eh major sabog obaryo naman ang chemistry nila ni Jun Ji Hyun – I’m trying to get screen cap online~ fortunately I got one from “thecrazyahjummas” blog. ANSAVEH? BULA MOUTH DI BA???

“The Thieves” Movie,  Image credits to http://thecrazyahjummas.blogspot.com

OKAY! Count to 10 and breathe! Back to kdrama —- I’m loving Cheon Song Yi and her undying love to Do Min Joo – NEVER SAY DIE si ateng talagang PUSH BERI HARD! meron pa syang paandar na 15 second seduction! NAKAKALOKA! Ang ego at confidence ni ate mas malaki pa sa universe, talagang mahihiya ang creaters ng buwan! SOBRANG NAKAKATAWA TALAGA SYA! BEST IN EFFORT! gamit na gamit kay ateng ang “Try and try until you succeeds!”

The 15 Second Seduction. “My Love from Another Star” Episode 8. Image credits to http://thecrazyahjummas.blogspot.com

Pahupa na yung mga kilig eksena, nagiging dark na yung plot, kasi more more time na dun sa suicide/murder case investigation at nagsisimula na yung mga KRAYOLA scenes. Sobrang saket lang sa puso yung endless rejection ni Min Joon! kahit si ateng GO GO POWER RANGERS sa taas effort at mukhang KIBER lang sya dahil TOMORROW IS ANOTHER DAY to seduce Do Manager! pero may mga key moments eh alam mo yun, tao lang din sya NASASAKTAN. SYET. PRAMIS. I FEEL YOU TEH!

rejected

Episode 13 palang sya and meron pang 8 remaining episodes, so far hinde ko pa naman nararamdaman na I’m wasting my time watching it and sana lang hinde major disappointment ang ending neto. (AHEM! calling The Heirs – ibalik mo ang 20+ hours ng buhay ko! bwiset!!!)

PS. Sobrang nakakatawa yung Cheon Song Yi – 5 Stages of Grief.

retail therapy

recently naadik ako sa app na wattpad and definitely not good for the health :lol: ang usual na body clock ko around 2-3am natutulog na ako but since last week nung nadiscover ko to super late na ako natutulog meron pang one time almost 10am na! IMAGINE! lakas makapanira ng buhay!

I’m reading “Burning Moon” and believe me nagHALLUCINATE na ko and pegged this as perfect lovestory of my life! TANGENA, YUN KUNG MAY LOVELIFE AKO. SYET. Ang magkaroon ng super hot backpacker boyfriend na willing ubusin ang kanyang kaban ng yaman sumama lang ako mag travel with him for a year! ETO NA TALAGA ANG IDEAL MAN.

I read this part from Chapter 9, Lilly said:

lilly

Sobrang narelate ko ang sarili ko sa kanya~ I agree naman money can’t buy happiness itself pero naniniwala din ako na money can buy things that make you happy kasi nga I’M A MATERIAL GIRL LIVING IN A MATERIAL WORLD! Aminin na naten life is better if you have secured money at the bank na pag gusto mo magwaldas eh hinde sya basta basta mauubos. Lahat tayo  may INNER NAPOLES sure ako jan, pusta ko yung sobrang bagal naming intranet sa opis, pero siguro may leveling lang, or parang allergy hinde mo nadidiscover until hinde mo pa natry imax out ang credit card mo :mrgreen:

Hay. Kelan ko kaya darating ang Damien Bishop ng buhay ko? Kelan kaya ako mahihiga sa salapi? Kelan kaya darating yung time na tatanga lang ako sa beach house ko habang nagmomonitor ng pera ko sa bangko? For now, mangangarap muna ako at ko kikiligin sa aking pantasya.

i lovelife!

I joined Makati Feast’s Lovelife retreat without any idea of what to expect, the only thing I’m sure eh cry me a river peg neto in highest level. So I ready myself na this going to be much of heavy scenes from MMK. TRUELALU. I never cried so HARD in my entire jologs life, dito lang talaga. I never expected na sobrang powerful nung retreat {I’m excited sa event but honestly I have low expectation}. Kating kati akong italak ang mga ganaps and as much I want to share all of the activities we had eh cannot be borrow one, pumirma kasi ako ng non-disclosure agreement. CHOS! Iba pa rin if you experience it by yourself, mas ramdam ang HEALING., mas kita ang LIWANAG. :lol:

Find the kulotra! — Met hundred of wonderful souls :) Makati Feast Lovelife Batch 7

Nasaan na ang mga lalake? Ilabas na ang mga lalake? Akala ko ba LOVELIFE retreat to?

Best in laugh trip, nagulat din ako. I thought kasi the retreat will tackle everything about single-hood, eksenang baket wala akong lovelife? baket single pa rin ako? baket wala gusto magmahal saken? ganyang talakan, saksak puso tulo dugo eksena ng mga singles. Aba! WARLA. NOT RELATED. It’s more of finding nemo yourself, loving oneself, and being faithful to God while waiting kay TNP – tunay na pag-ibig. GOW! PUSH NATEN ANG PAGMAMAHAL SA SARILI. :mrgreen:

proud graduate of Makati Feast Lovelife Batch 7

I decided to celebrate my birthday renewing my relationship to God, with all the blessings I’m having right now eh nagi-guilty ako not praising or returning anything to the Lord. To my surprise it turned out to be the best birthday gift I got for 29 years :P not even twice but more than 10 times. Its like when you feel that life is draining you to the last drop of hope {ang emo naman ng line na to parang hirap na hirap lang sa buhay bwahahaha} then suddenly {BOOM! it became KoKo crunch!} you feel recharge and ready to face what life will bring! ANSABE?!?!? biglang may superpowers! pede na mag DARNA after ng retreat. Definitely one of the best and memorable birthday weekend ever! Thank you Lord! Amen.