blue-eyed-devil

TULO LAWAY! baket wala man lang nagpakilala saken ng adonis na to aber? grabedad nakita ko sya sa isang list of sexiest man, laglag panty ko neng pati bra ko kumawala! bwakanangshet yan! SO POGI NAMAN. he’s one of the highest paid supermodel (versace, hugo boss, CK,  tommy, … and more). gosh! ang kaluluwa ko pansamantalang umalis sa aking katawang lupa. hinde ako makapaniwala na ang ganitong face na sa pocketbook ko lang na-i-imagine ay tunay na nag eexist sa planet earth.  naman, earth calling Renz Navarro! Actually naisip ko agad si Renz nung makita ko sya :D

Gabriel Aubry is the name. it’s official. I’m in love to that blue-eyed-deliriously-handsome-devil. and he’s a canadian. grabedad mukhang sa Canada talaga ang sagot sa aking mga pangarap. Ang siste, kung gaano kabilis nahulog ang puso ay ganun din ito kabilis na nasawi. wasak na wasak ang puso ni charlimak! ang lolo mo pala ay baby daddy ni Halle Berry.

IKAW BA NAMAN ANG MAGING CAT WOMAN!!! ANG TINIK NG KUKO MO TEH!

what went~worth…err… wrong?

michael scofield isdatchu??? nak ng tinapa! don’t ever tell me na kasing yaman ka na ni Richie Rich to have your own McDonalds franchise sa loob ng mansyon mo at everyday half pound burger at galitrong coke ang tinitira mo oras oras, samahan pa ng isang bag ng french fries,  at isang gallon ng ice cream :mrgreen:

matapos mo kaming iwan after ng prison break… hinde ka na nagparamdam…  matapos nun hinde ka namin makita ng ilang months… one day biglang magpapakita ka at sa ganyang state… Wentworth? nag-da-drugs ka ba? *kimmy accent* naman! sana itinodo mo na yung hinde ka na talaga makikilala d b? :D sana nagpakulay ka na rin ng buhok, hmmmm… siguro ung striking orange, tapos sana niwax mo na rin yung kilay mo parang alien lang. kung marerebelde ka na rin sana hinigitan mo ung level ni Lindsay Lohan or kaya ni Amy Winehouse.

oo! alam ko! tao kalang, may down moments, may depression state, tinatamad mag workout, tas sinamahan pa ng identity crisis, normal lang magpahinga and magnilande ng kung anu-anong stuff… hanapin ang sarili…pero sana naisip mo na artista ka, at may golden rule ang mga sikat!

“KAPAG ARTISTA KA, KASALANAN MAGING PANGET”

BAKET KA NAGPABAYA??? BAKET?!?!?! You need to go back in shape and better start your PRISON DIET!

sugar and spice

this is the ultimate love story ng mga taong magaling magpaasa;  mga taong lito na hindi kayang pumili kung sino ba talaga ang kanilang mahal; mga taong sariling happiness lang ang concern; mga taong takot mabuhay mag-isa; at taong nang-iiwan sa ere pag ayawan na.

another bittersweet love that depicts realism. even if you know that the love is not worth fighting for, however you still believe that the love you feel is real brings you to denial, and denial is the first step of letting go…

“know when to be a gentleman,  and know when the time’s come to be tough.” – super hip grandma, Sugar and Spice

hinde ko kilala ung bidang guy, pinanood ko lang to kasi idol ko si Erika, she’s one of the finest japanese actress pagdating sa drama,  she became my favorite after i watched ” 1 litre of tears”, and in this movie she managed to make  me feel bitter about her, kung gaano sya ka-fragile and vulnerable after break-up and how messy her lovelife to start with a rebound relationship. and about the lead actor, Yuya, I cried a bucket of tears! :cry:  mausay pede ng best actor! at si “grandma” uber cool! syet, super like ko ung lola dito ang galeng ng mga love advices nya,  wala sinabe si Joe D’ Mango, panis na panis. aside from that she drives red race car with her hot young boytoy at the age of 70. tangena!

shet, may problem na ata ako, parang tumataas ang angst level ko these days kakapanood ko ng mga bitter lovestory :mrgreen: to the point na lagi na lang akong depression mode, feeling api, emotera galore.

heavenly forest

“I just want the person I love to fall in love with the one he loves” – Shizuru, Tada Kimi Wo Aishiteru

Superb cinematography. heartfelt musical background. direct-straight-to-the-face movie lines. fantastic acting. This is beyond love story.

Panalo! Adik ako sa movies na super husay ng lead actors sa pag arte at xempre lalo na pa kung may  panghugot hininga at pambulag na cinematography. Ang ganda ganda ng napili nilang location, first time magflash sa screen, napamura nalang ako… syet,  hmm…. parang gusto ko nito sa aking backyard. hola, buy now! :mrgreen:  superb location sinong magsasabe na “hinde lahat ng may DSLR eh photographer” for sure kahit tamang yabang kalang at walang photographer skills pasok ka dito neng, ang mga shots mo dito malamang pang photo gallery!

aside sa suicidal na cinamatography, ang level ng acting, ibang klase, hinde to bokya. lalo na yung scene ni Tamaki sa photo gallery ni Shizuru, gaaah my heart burst to million pieces, saksak puso ito tulo ang dugesh, lumilipad pa sa ere ung hemoglobin ng puso ko. na feel ko talaga teh ng bonggang bongga, sagad hanggang bone marrow. eh hinde ko na nga malaman kung sipon ba or luha ba ung nadilaan ng labe ko :D kiniber ko na kasi I’m so busy feeling that precious moment. Isinapuso ko ng maiigi baka kasi magamit ko rin un in future, bwahahaha.

Gosh! I so love Tamaki  here not because he’s “Nodame’s Chiaki senpai” but as Makoto, an amateur photographer who fell in love with a quirky girl who captures better picture than him :D well… I guess, siguro nga mas appreciative ka sa art pag abnormal ka. Mas winner ang mga shots mo kung maluwag ang turnilyo mo.

Isa na naman to sa reality check movie na hinde lahat ng love story eh ay katulad ng kay cinderella na may “they live happily ever after” meron din story na pag emo “there are some love that are not meant to be”…

Gaaaah. Parang nagpaparamdam yung LOMO ko, hawakan ko naman daw sya minsan. bwahahaha.